Pambihirang Corals, Nadiskubre sa Sebaste Shoals, Karagatan ng Antique

Napakahiwaga nga ng daigdig, kung maraming magagandang tanawin dito sa lupa, may mas mga nakakagulat na kagandahan rin pala na matatagpuan sa ilalim ng dagat. Hindi pa lubusang nalibot ng tao ang kailaliman ng dagat kung kaya’t hanggang ngayon ay may mga panibagong diskubre ng mga nakakamanghang tanawin at naninirahan dito.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Kamakailan ay nadiskubre ng mga local diver sa karagatan ng Sebaste sa lalawigan ng Antique ang ilang metrong hilera ng katangi-tanging bowl corals.

Ayon sa grupo ng divers na tinawag na Samurai Sabad Extreme, nagsasagawa sila ng diving sa Sebaste Shoals nang hindi nila inaasahan ang pambihira nilang nadiskubre.

Kinunan nila ng larawan ang naturang corals at ipinasuri naman kay Haron Deo Vargas, isang marine biologist ng Department of Environment and Natural Resources.

Antique LGU vows to preserve rare 'bowl corals' in Sebaste Shoal area

Kinumpirma naman ni Vargas na bowl corals nga ang nasa larawan na may scientific name na Halomitra Pileus.

Kakaiba daw ang naturang mga corals kaya pinag-aaralan pa ni Vargas ang mga impormasyon hinggil dito.

Corals of the World

Dahil sa pagkakadiskubre ng bowl corals, susuyurin pa nila ang ibang bahagi ng karagatan sa Antique at umaasang makakadiskubre pa ng mga kakaiba pang mga marine species doon.



Pambihirang Corals, Nadiskubre sa Sebaste Shoals, Karagatan ng Antique
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment