Magiting na Security Guard, Tinulungan ang Babae sa Panganganak sa Kalsada.

Minsan kahit hindi tayo nakapagtapos ng pag-aaral at nakakuha ng sertipikasyon sa larangan ng iba’t-ibang espesyalisasyon, kinakailangan pa rin natin ang magkaroon ng ideya kung ano ang dapat gagawin kapag may mga nangyaring emerhensya at sakuna.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Hindi natin alam ang posibleng mangyari sa araw-araw kung kaya’t dapat ay may kaalaman tayo sa mga first aid, at isa sa mga nangangailangan ng kaalamang ito ay mga Security Guard dahil sila ang kadalasang hinihingan ng tulong ng mga tao kapag may nangyari sa isang establisyimento.

Katulad na lamang sa nangyari sa babaeng ito, na nangangak at tinulungan lamang ng isang Security Guard. Ang sabi nga, sobrang hirap ang dinaranas ng babaeng nanganganak, dahil parang nasa hukay na ang kaliwang paa, pero pagkatapos at matagumpay na panganganak ay walang katumbas na kagalakan ang hatid sa buong pamilya.

Ayon sa Facebook post ng “Solid Mayor Isko Supporters”, hindi nagdalawang isip ang magiting na Security Guard na kinilalang si Neil Atibagos na tulungan ang manganganak ng babae sa kalsada. Napag-alaman na bibili lang ng alcohol ang nasabing buntis.

Makikita sa larawan na nakahiga ang babae na may cover ng towel, habang ang sanggol ay nakahiga na sa puting tela.

Dahil sa ginawa ng magiting na Security Guard, maraming netizens ang natuwa sa kanyang kabutihang loob.



Magiting na Security Guard, Tinulungan ang Babae sa Panganganak sa Kalsada.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment