Sa panahon ngayon, iilan na lang ba ang totoong naglilingkod sa bayan na walang halong masamang intensyon sa kaban ng bayan? Marami tayong mga naririnig na balita patungkol sa mga korapsyong nagaganap sa Pamahalaan at kadalasan yaong mga nasa mataas pa na position.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Subalit, pinatunayan ni Kapitan na hindi lahat ng nag-aasam ng position ay habol ang pera ng bayan, kundi ang makapaglingkod at matulungan ang kanyang mamamayan.
Ito ang pinamalas ni Kapitan Galla ng palawan. Sobra-sobra ang tuwa at pasasalamat ng mga residente matapos matanggap ang kanyang ibinigay na tulong pinansyal sa kanila.
Ayon kay Elizabeth Abala Paguntalan, ibinahagi ng kapitan ang kanyang sahod bilang tulong sa mga PDWs at solo parent sa kanilang barangay.
Sa mga larawang ibinahagi ni Elizabeth, makikitang isa-isang inilalagay sa bawat sobre ang perang ipamamahagi ng kapitan.
Bukod kay kapitan Galla, nagbigay rin umano ng tulong ang apo nitong pulis na si Police Officer Jobeth Galla.
Kaya naman nagpapasalamat ang mga residente ng Barangay Bagong Sikat, Narra, Palawan dahil sa tulong na ipinaabot ng kanilang kapitan para sa mga PWDs at solo parent.
Dahil sa lahat ng Pilipino ay apektado ng C0VID-19, marami ring public officials at mga indibidwal ang kusang tumutulong.
Kahit ang lokal na pamahalaan ay nagpaabot na rin mga relief goods bilang tugon sa mga mamamayang nahihirapan dahil sa community quarantine.
Kapitan sa Palawan,Pinuri dahil Ipinamahagi ang Kanyang Sahod sa mga PWD at Solo Parent
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment