Napakasakit bilang magulang ang mawalan ng anak, ni minsan ay hindi ito pinangarap na mas maunang mawala sa mundo ang kanilang mga anak at sila ang hahatid sa huling hantungan nito.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Sa sobra nilang pananabik na makapiling ang kanilang mga sumakabilang buhay na mga mahal sa buhay ay gagawin ang anumang paraan kung meron man upang makasama silang muli.
Tulad nalang na isang ina na ito na si Jang Ji-Sung na nakatira sa South Korea.
Taong 2016 noon ng mawala ang kanyang anak at bawian ito ng buhay na si Nayeon isang batang pitong taong gulang. Pumanaw si Nayeon dahil sa isang malubhang sakit at walang lunas ang naturang sakit nito.
Makalipas ang tatlong taon dahil sa teknolohiya na mabilis na pag-unlad ay maari di umanong magkita si Jang Ji-Sung at ang kanyang namayapang anak, sa pamamagitan ng teknolohiyang ito na tinawag na VR or VIrtual Reality, nagkita sila at nakasalamuha niyang muli ang kanyang anak.
Sa isang video na mapapanood, makikita na nakasuot si Ji-Sung ng isang VR at sa harap naman ay makikita ang isang virtual na imahe ng kanyang anak na parang totoo. Hindi naman mapigilan na umiyak ni Ji-Sung habang kinakausap ang kanyang anak.
Sa tuwing maririnig mo kay Ji-Sung ang salitang “Miss na kita anak” ay talaga naman na mararamdaman mo ang sakit na kanyang nararamdaman at hirap na pinapasan nito dahil sa pagkamatay ni Nayeon.
Gusto niyang mayakap ang kaniyang anak ngunit hanggang tingin lamang ang kaya ng Virtual na ito.
Matapos ang madamdaming pagtatagpo ng mag-ina narito ang isang sinabi ni Ji-Sung.
“Maybe it`s a real paradise, I met Nayeon, who called me with a smile, for a very short time, but it`s a very happy time. I think I`ve had the dream I`ve always wanted.”
Si Nayeon ay nasa lugar kung saan ay hindi na siya kailanman masasaktan at kung saan wala ng kalungkutan. Bawat isa sa atin ay papanaw dito sa mundong ibabaw, may mga nauna at pagdating ng panahon muli sila nating makakasama.
Panuorin: Isang Ina, Nakausap at Nakapiling Muli ang Pumanaw na Anak dahil sa Virtual Reality.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment