Isang 90 yrs Old na Lola, Kinupkop ng Ifugao Pulis dahil Mag-isang Namumuhay at Wala ng Makain.

Hinahanga-an at kinikilala ang mga Pilipino dahil sa pagiging mapagmahal nito sa kanilang mga Pamilya. Di katulad ng sa ibang bansa na kapag  tumunton na sa edad na 18, ay nagiging independent na ang mga ito at humihiwalay sa kanilang mga magulang.

You May Also Read:

Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.
Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.
Babaeng Nagparetoke ng Ilong, Di Alam Na Nawala ang Isang Parte ng Kanyang Tenga na Ginamit sa Operasyon.

Dito sa ating bansa, kahit anong edad pa ng mga anak at magulang kahit nagkaka-apo na nga sila sa tuhod, ay magkasama pa rin sa iisang bubong dahil sa ayaw nilang malayo at mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Subalit, sa bawat pagdaan ng panahon, tila marami nang mga balitang lumalabas sa social media patungkol sa pag-aabandona sa mga matatanda. Tuluyan na nga bang nawala ang pagiging makapamilya ng mga Pilipino?

Di lingid din sa ating kaalaman na mayroong mabubuting puso pa rin na handang magbigay ng tulong kahit na wala itong kapalit, katulad po ng ginawa ng mga  Pulis mula sa Ifugao. Kanilang tinulungan si Lola Aida Paduyao na nasa 90 taong gulang at mag-isang namumuhay.

Ang kabutihang loob na ginawa nila kay Lola ay parte ng “Adopt a Family” program na inilunsad ng Ifugao PPO,at patuloy na sinusuportahan ng ating mga matitikas ngunit may mga malalambot na puso para tumulong na kapulisan ng Kiangan Municipal Police Station.

Sa inilunsad na proyektong ito, nagagawa ng mga mabubuting Kapulisan ang makapag-abot ng tulong sa mga taong lubos na nangailangan, mula mismo sa kanilang mga sariling bulsa at ambag-ambag na halaga.

May mga iilan man na iba paring ang pagtingin sa mga kapulisan dahil narin sa ibang gumagawa ng masama na nakakasira sa kanilang hanay ay mas madami padin naman ang may mga mabubuting puso para kapwa at sa bayan.

Ang programang kinabibilangan ng mga kapulisan sa Ifugao ay pamamaran nila upang ipakita ang kanilang pagmamahal para sa mga tao at mamamayan sa Kiangan, kahit pa man ang iba sa mga kapulisan ay hindi residente ng naturang lugar.



Isang 90 yrs Old na Lola, Kinupkop ng Ifugao Pulis dahil Mag-isang Namumuhay at Wala ng Makain.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment