2 Magkaibigan, Nadiskubreng Magkapatid Pala Matapos ang 17 na Taon dahil sa Bagay na Ito.

Unang nagkita ang mag bestfriend noong taong 2004 nang sila ay umattend sa isang birthday party ng kaibigan, si Ashley Thomas na ngayon ay nasa 31 anyos na at si Latoya Wimberly na 29-anyos.

You May Also Read:

Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.

Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.

Babaeng Nagparetoke ng Ilong, Di Alam Na Nawala ang Isang Parte ng Kanyang Tenga na Ginamit sa Operasyon.

Sa loob ng 17 na taon, saka lamang nalaman ng dalawang babae mula Pennsylvania, USA na sila pala ay magkadugo. Ang kanilang relasyon bilang magkaibigan ay mas matindi pa nga raw at parang kapatid na rin ang turingan ng dalawa.

Ayon kay Thomas, para silang pinagdikit ng glue noong sila ay magsimulang magkagaanan ng loob.

Para sa kanilang dalawa, hindi lamang “besties” kundi “sister” ang tingin nila sa isa’t isa.

At nito lamang Enero ngayong taon, nalaman nila ang matagal ng nakatagong sikreto nang magpost sa Facebook ng mga larawan sa isang engagement party si Wimberly habang kasama niya ang kanyang ama na si Kenneth Wimberly.

Nang makita ng kaibigan ng nanay ni Thomas ang mga litrato, namukhaan nito si Kenneth at sinabing nagkaroon ito ng relasyon sa kanyang ina.

Dahil sa nalaman, ipinasuri ni Thomas kay Kenneth ang litrato ng kanyang ina at dito niya napagtanto na sila nga ay nagkaroon ng relasyon noon.

Para mapatunayan ay nagpa-DNA test si Thomas at nalaman niyang si Kenneth nga, na ama ni Wimberly ang matagal na niyang hinahanap na ama.

Best friends of 17 years discover they're actually sisters | GMA

“When Kenny told me he was my dad, chills went through my body. I couldn’t think. I couldn’t process it. I couldn’t even talk to them,” kwento ni Thomas.

Aniya, dahil magkaibigan sila ni Wimberly ay parang anak na rin ang turing ni Kenneth sa kanya mula pa man noon.

After being best friends for 17 years, these two women just found out they're actually sisters - CNN

Madalas pa raw siyang naiimbita ng ama sa mga pagtitipon ng pamilya nito at noon pa man ay tinutulungan na raw siya nito ng walang kahit anong kapalit.

“Big Kenny was like my dad. He was there for me the whole time and I had no idea,” saad ni Thomas.



2 Magkaibigan, Nadiskubreng Magkapatid Pala Matapos ang 17 na Taon dahil sa Bagay na Ito.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment