Maraming mag-asawa ang nag-aasam na magkaroon ng anak at sobrang biyaya pa ito kapag kambal ang ipagkaloob sa kanila ng Maykapal. Subalit parang kabaligtaran naman yata ang naging pag-uugali ng isang Ina na ito ng kambal na bata.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Naging laman ng usap-usapan sa online world kamakailan ang isang batang Ina, ng malaman na ibinibenta niya ang kanyang sariling anak para lamang mabili ang luho nito na magkaroon ng cellphone.
Kinilala ang babaeng ito sa kanyang apelyidong si Ma na taga Cixy City, Zheijang China. Maagang nabuntis ang nasabing babae at nasa 20 taong gulang pa lamang. Nalaman din na may galit pala ito sa kanyang mga magulang dahil parang pinabayaan umano siya ng mga ito.
Ibinenta niya ang kanyang kambal na anak sa magka-ibang presyo, ang isa ay 20,000 yuan o mahigit P140,609 at ang isa naman ay 45,000 yuan o nasa P316, 370.
Nagawa raw ito ni Ma dahil kailangan raw niyang mabayaran ang kanyang credit card. Peru sobra pa ang perang ito kaya ibili raw niya ito ng mamahaling cellphone.
Matapos ang bintahan ay lumitaw din ang ama ng mga bata na kinilala sa kanyang apelyidong si Wu hindi para magalit kundi para manghingi ng kanyang parte dahil baon rin daw ito sa utang dahil sa sugal.
Dahil sa kanilang ginawa, pinaghahanap sila ng mga pulis at inaresto.
Natagpuan rin kaagad ang mga nakabili sa kanilang anak peru nagastos na ng mag-asawa ang pera. Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga magulang ni Ma ang kambal.
Sana naman ay wag tularan ang ganitong uri ng mga magulang, mayroong mga nabuntis sa murang edad pero nagsumikap upang maka-ahon dahil hindi naman hadlang ang pagkakaroon ng anak para maipagpatuloy ang naudlot na pangarap, bagkus dapat ituring nilang inspirasyon ang kanilang mga anghel.
Mabili lang ang Inaasam na Cellphone, Batang Ina Binenta ang Kambal na Anak
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment