Ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa ay hindi lamang limitado para sa mga taong may kaya, kilala at nasa position. Dahil marami pa ring mabubuting pilipino na handang magbigay ng tulong kahit sa maliit o malaking pamamaraan.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Katulad na lamang po sa isang babae, na kakitaan ng pagkabusilak na kalooban matapos niyang tulungan ang matandang lalaki.
Dahil sa di inaasahang pandemyang ating nararanasan sa ngayon,sa isang iglap naging apektado ang pamumuhay ng karamihan sa atin.
Napakahirap ng sitwasyon dahil sa limitading galaw ng mga tao, apektado ang lahat at lalo pa ang mga mahihirap nating kababayan.
Isang kwento mula kay tatay na lubusang naapektuhan ng sitwasyon sa ngayon, ayon sa kanya ay hindi niya natanggap ang inaasahang sweldo dulot marahil ng limitadong paggalaw sa komunidad.
Subalit, nagpasalamat naman si Tatay dahil sa isang babaeng may ginintuang puso na tumulong sa kanya.
Ibinahagi naman ng good samaritan ang kanyang tulong na ginawa sa pamamagitan ng isang twitter post.
Sa kasamaang palad, walang laman o hindi pumasok ang sahod na inaasahan ng lalaki.
Kwento ng babae, dahil walang masakyan, naglakad pa umano ang matanda mula Guiwan makarating lang sa KCC mall para mag-withdraw at mamili ng pangangailangan ng kanyang pamilya.
Pagdedetalye ng netizen, janitor raw ang lalaki sa isang agency at sumasahod ng P6,000.00+ kada buwan.
Subalit dahil walang sinahod ang naturang janitor, inabutan na lamang sya ng babae ng P2,000.00. Pera na gagamitin raw sana nyang pambili ng LPG sa bahay at pang-gas sa kotse.
Ang babaeng nagmagandang loob, base sa kanyang post, ay nagsisisi pang hindi nya umano nadala ang kanyang extra money para nang sa gayon ay nakapag-abot pa sana sya ng mas malaking halaga sa matanda.
Pagpapatuloy ng good samaritan, nagalit umano ang lalaki sa kanya. Hindi dahil nainsulto ito o anuman, ngunit kundi para sa matanda, sobra-sobra umano ang binibigay na tulong ng babae sa kanya.
Sinabihan raw sya ng matanda na kunin na lang ang perang binibigay sa kanya at babalik na lang daw sya sa mall kapag may sahod na.
Pinilit umano ng babae ang lalaki na tanggapin ang kanyang inaalok na tulong dahil napakalayo ng nilakad ng matanda para lang masayang sa wala.
Sa pagkakataong iyon, pinababa ng matanda sa netizen ang kanyang mask para raw matandaan nya ang mukha ng babaeng may mabuting kalooban. Bagay na muntik umanong nagpaluha sa babae habang kausap nya pa ang tinulungan, kung kaya lumakad na raw sya palayo sa matanda dahil sa hiya na baka umiyak pa sya sa harap ng lalaki.
Narito ang kanyang post:
Isang babae,Inabutan ng Pera ang Janitor na walang na-withdraw matapos maglakad ng malayo.
Source: Pinoy Lugaw
0 comentários :
Post a Comment