DH, Kulong Dahil sa Ninakaw na Chanel Bag ng Amo at Ginagamit tuwing Day Off.

28 taong gulang na foreign domestic worker sa Singapore na kinilala kay Onita ang kamakailan lang ay sinentensyahang makulong sa loob ng anim na buwan matapos ma kumpirma na siya ang nagnakaw ng Chanel bag ng amo at kaniyang ginamit sa kanyang day-off, maliban dito ay may dalawa pa umanong kaso na inihahanda para sa kanya.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Habang naglilinis si Onita sa kwarto ng kanyang 40 taong gulang na amo ay nasilayan niya ang isang pink Chanel bag na nagkakahalaga ng nasa $6,000 na nakalagay sa isang istante ng kaniyang amo, kasama na din ang iba pang mamahalin na mga bags nito.

Dahil sa nagustuhan ni Onita ang Pink na Chanel bag ng amo, kinuha niya ito at dinala sa kanyang kwarto. Ayon sa State Prosecuting Officer na si Mohd Nasri Haron, ginagamit umano ni Onita ang bag tuwing darating ang kaniyang day off.

Hindi lang pala unang beses ginawa ito ni Onita, dahil nung naglinis uli siya ng kwarto, nakita nya ang isang black Chanel bag naman na nagkakahalaga ng nasa $8,500 na kung saan ito ay nakalagay sa dust cover ng walk-in closet ng amo.

Matapos nito, ay kinuha niya ang black bag at ipinalit dito ang pink bag na kaniya ding nakuha mula sa walk-in close ng kaniyang amo.

Noong August 16, napagtanto ng amo ni Onita na ang kaniyang bagong Chanel bag ay nawawala. Napagdesisyunan niya na tignan ang dust cover sa kaniyang walk-in close dahil ito ay doon lang naman niya inilagay, ngunit ang kaniya lamang nakita doon ay ang kaniyang pink Chanel bag. Ang babae ay hinanap ng hinanap ang black bag kasama na rin si Onita ngunit hindi niya talaga ito makita.

Saad ng prosecutor,

“In her desperation, the victim said that she would report the matter to the police.”

Dahil nataranta at natakot si Onita, kinuha niya ang black bag sa kaniyang kwarto at ibinalik sa kawrto ng kanyang amo.

Isang araw, habang nagiiscroll ang amo ni Onita sa Facebook page nito noong August 24 ay nakita niya isang pink bag ang nakasukbit sa balikat ni Onita at ang larawan ay kinuha noong Feb. 18, 2019.

Nakilala naman niya kaagad ang bag at ang disenyo nito kung kaya naman nagmadali siyang tumawag sa mga pulis para ipaaresto ang kasambahay.

Bukod pa dito, ay kumuha pa ng nasa $800 at $1,000 si Onita sa Louis Vuitton wallet ng kaniyang amo ng hindi nito nalalaman.

Ang prosecutor naman ay sinabi na siya ay makukulong ng nasa anim hanggang walong buwan, ngunit sinabi ng kasambahay na ibinalik naman niya ang pink bag nito matapos gamitin ng ilang araw.



DH, Kulong Dahil sa Ninakaw na Chanel Bag ng Amo at Ginagamit tuwing Day Off.
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment