Dating Beauty Queen, Naaksidente Ang Sinasakyan Kaya Naputulan Ng Paa

Malaki ang naitulong at naging papel ng social media sa ngayon, hindi lamang ito isang libangan, kundi ay naghahatid rin ng mga impormasyon at iba pang latest na balita, gayundin ay napapalapit ang magka-anak na nasa malayong lugar.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Marami na rin ang natulungan ng social media na mula sa mga nagtrending na mga post at nabigyan ng tulong pinansyal para maka ahon sa kanilang buhay.

Kaya di nag atubili na humingi rin ng tulong ang former Ms. Q&A candidate na si Jennifer Collins o mas kilalang si Jayson de Ortega sa totoong buhay, ginamit niya ang social media upang makahingi ng kaunting tulong para sa mga taong may busilak na puso, pandagdag sana sa kanyang mga gamot ng siya ay masangkot sa isang aksidente.

Hindi basta-basta ang naging epekto sa kanya ng nasabing aksidente dahil humantong pa ito sa pagputol ng kanyang paa.

Sa isang Facebook Post ng kanyang matalik na kaibigan na si Jam Arenas, kanyang ibinahagi ang kritikal na kalagayan ni Jennifer.

“On behalf of transpageantryPH, we would like to seek help for one of our TRANS KONTESERAS –Jayson Jiz De Ortega aka Jeniffer Collins. Sya po ay kamakailan ay naaksidente (August31,  around 7:30pm), nabangga po ang tricycle na sinasakyan niya. Mabilis daw po ang patakbo ng jeep, lasing at mukang naka droga pa daw po.”

Umabot na daw sa puntong halos mamatay na sia at kailangan nang putulin ang isa nyang binti (RIGHT) samantalang sementado po ang isa (LEFT). Malaking pasasalamat pa din ng pamilya sa Diyos na sya ay binigyan ng panibagong buhay.

“Just a brief background, sya po ay breadwinner, lahat pinasok para kumita- real state agent, kontesera, make up artist, choreographer, Costume maker, in short, Raketera. Kumakayod para sa buong pamilya at sa nangyaring eto ay maaring mahirapan na po sya. Isa po syang mabait na anak, kapatid at kaibigan.” dagdag pa ni Jam.

Si Collins ay kasalukuyang naka-confine sa PGH (Philippine General Hospital) sa may Pedro Gil kung saan siya ay nagpapagaling at nagpapalakas.”

Nagbabakasakali naman si Jam sa mga fans ni Jennifer na sana ay makapagbigay ito ng kaunting tulong sa beauty queen.



Dating Beauty Queen, Naaksidente Ang Sinasakyan Kaya Naputulan Ng Paa
Source: Pinoy Lugaw

About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment