Halos dalawang taon na tayong namumuhay sa ilalim ng pandemyang ito na mahirap solusyonan, ngunit sa pagdaan ng bawat araw kinakailangan pa rin nating kumayod at gumawa ng mga mahahalagang bagay upang tayo ay mabuhay.
You May Also Read:
Hindi maiiwasan na parti ng ating trabaho ang maglakbay, kung kaya’t mahirap ang kalagayan sa ngayon para sa mga manlalakbay. Isa sa general na rule na sinusunod ng buong mundo ay ang pagsuot ng facemask, face shield at palaging e obserba ang social distancing bilang pag-iingat na hindi mahawa ng v1rus.
Ang hindi pagsunod sa mga health protocol na ito ay may kaakibat na parusa at pwedeng maka apekto rin sa iba. Katulad na lamang po sa isang pangyayari na ito sa eroplano.
Kamakailan lang, kumalat sa social media ang video na ito ng isang pamilya sa United States na mayroong nakasagutang flight attendant. Nadelay ang flight mula Orlando papuntang Atlantic City dahil sa insidenteng ito.
Mayroong kasamang dalawang-taong gulang na bata ang mag-asawa. Sa video, makikitang nakasuot ng face masks ang nanay at tatay, samantalang wala namang face mask ang kanilang anak.
Maya maya pa, nilapitan sila ng isang flight attendant mula sa Spirit Airlines at sinita. Nagreklamo ang mag-asawa at ipinakita na nakasuot naman sila ng face mask. Ngunit sa isang punto ng video, makikitang saglit na tinanggal ng tatay ang kanyang face covering.
Maraming pasahero rin ang nagsabi na may mga bata rin sa flight na hindi rin nakasuot ng face mask. Sa kabila nito, nakiusap pa rin ang flight attendant na bumaba ang pamilya sa eroplano dahil hindi raw ito sumusunod sa kanilang health protocol na pagsusuot ng mask.
Nagresulta ang insidenteng ito sa dalawang oras na pagkaka-delay ng flight. Kinalaunan ay pinayagan rin ang pamilya na mag-stay sa eroplano. Sa kabilang banda, nagbigay naman ng opisyal na pahayag ang management ng Spirit Airlines tungkol sa insidenteng ito.
Pinabulaanan ng airlines na ang bata ang dahilan kung bakit pinapababa ang pamilya sa flight. Ayon sa statement, ang mga magulang mismo ang sumuway sa kanilang mask policy, kung kaya’t kinausap ito ng kanilang flight attendant.
You May Also Read:
0 comentários :
Post a Comment