Isang Babaeng Albino, Kahanga-hanga ang Ganda na Bumihag sa mga Netizens.

Palaging naging tampulan ng tukso ang mga taong may kakaibang pisikal na kaanyuan kaysa mga nakasanayan ng itsura ng tao. May mga matatangkad, may mga katamtaman at pandak, kapag sa kulay ay mayroong maputi, kayumanggi at maitim na balat. Subalit mayroon ding mga taong sobrang puti na parang hindi na normal at sila ay tinatawag na albino.

Subalit ang kanyang pagiging kakaiba ay nagbigay ng nakakahangang kagandahan at napatunayan na ang kagandahan nga ay nakabatay sa mata ng bawat isa at walang dapat na pamantayan. Narito po ang buong kwento:

Nakatawag pansin sa photographer na si Amina Arsakova ang larawan ng isang dalagita na may kakaibang kondisyon. Gayunpaman, sa kabila nito, nakita ni Arsakova ang natatanging ganda ng kabataang nasa larawan kaya naman sinikap niya itong makita ng personal.

Sa kaniyang pagtityaga, nakuha naman ni Arsakova ng phone number ng nanay ng dalagita. Ang nasa larawan pala ay ang 11- anyos na si Amina Ependieva.

Sa kanilang pag-uusap, nalaman na dalawang genetic condition ang dahilan ng pagiging kakaiba ni Ependieva, albinism at heterochromatin.

Ang albinism ay ang kakulangan sa produksyon ng melanin anupat halos ga-nyebe na ang kulay ng balat ni Ependieva. Ang heterochromatin naman ang dahilan ng pagkakaiba ng kulay ng kaniyang iris, isang kulay asul at isang kulay brown.

Sa kabila ng ganitong kondisyon, hindi pa rin maitatago ang ganda ng dalagitang si Ependieva at natuloy din naman ang photoshoot na pinlano ni Amina Arsakova.

Naging matagumpay ang kanilang photoshoot at ang mga kuhang larawan ni Ependieva ay talagang kapansin-pansin at napakaganda. Sa walong kuha ni Ependieva, marami ang napahanga sa kaniyang pagiging kakaiba.

Sa mga mata naman ni Ependieva ay halos mapapatingin ka dahil sa bawat pagtingin mo dito ay parang may koneksyon na humihila na tila nagsasabi na titigan mo lang ito.

Babaeng Albino, Kakaiba Ang Ganda Na Nagpahanga Sa Lahat

Ang mga larawan na ito ni Ependieva ay patotoo na ang pagiging kakaiba ay hindi nangangahulugan ng pagiging ‘pangit’ o di-kaayaya. Sa halip, ang kagandahan ay makikita rin sa pagiging unique at stand-out kumpara sa normal na kagandahan.


About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment