Talagang napakahirap kapag wala kang pera lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Kapag nagkasakit ka ay napakaliit ng tsansa na mabigyang pansin sa hospital dahil sa naglulubo na rin ang mga pasyente doon at kung wala kang sapat na pera ay di ka makakapasok sa loob ng pagamutan.
You May Also Read:
Isa kasi sa nire-require ng mga hospital ay ang pagkakaroon ng swabtest upang makapasok at ma-admit, kung wala kang sapat na pera para magpa swab ay talagang di ka makakapasok. Katulad na lamang sa sinapit ng isang ginang na manganganak na raw.
Hindi daw tinanggap ng hospital ang babae sa kabila ng pananakit na ng tiyan at nagli-labor na. Tinangihan siya dahil wala daw itong polymerase chain reaction (PCR) test o swab test na maipresenta kahit na lumalabas na ang bata. Hindi rin daw pumayag ang ospital na isunod na lang ang swab test at hayaan munang makapanganak ang ginang dahil nagla-labor na ito.
Buti na lamang at maayos naman daw ang kalagayan ng mag-ina. Base sa patakarang ng Department of Health, kasama sa rekisito sa mga buntis bago manganak ang swab test result. Pero sinabi noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat tanggapin ng mga ospital ang lahat ng pasyente.
“Hindi po naniningil ng bayad para sa swab test ang mga government hospital at bukas po sila ‘pag kailangan manganak,” ayon kay DOH Director III Dr. Paz Corrales.
You May Also Read:
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
0 comentários :
Post a Comment