Kamakailan ay tumigil na naman ang oras ng mga Pinoy upang panuorin at suportahan ang pambansang kamao na ngayon ay ating Senador na si Manny Pacquiao dahil sa kanyang laban sa Mexican Boxer na si Yordenis Ugas.
Subalit, hindi man pinalad si Manny na maipanalo ang nasabing laban, siya pa rin ay number 1 at tunay na champion sa puso ng mga pinoy. Maliban sa labanang ito, napansin din ng mga netizens ang kanyang supportive na asawa na si Jinkee Pacquiao.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Naging malaking intriga ang di umanoy suot ni Jinkee habang pinapanuod ang laban ng asawa. Ayon sa ibang ulat nagkakahalaga daw ng higit sa P2 Milyon ang outfit ni Jinkee at ito nga ay napuna ng isang beteranang kolumnist at host na si Cristy Fermin.
Ayon daw kay Cristy Fermin na nakasaad sa isang artikulo ng kami.com:
Nanay Cristy, as she is popularly called in showbiz circles, said that the wife of Sen. Pacquiao has no “pakialam” because for her, Jinkee should not flaunt the riches that she has through her material possessions.”At wala pong kahihiyan si Jinkee Pacquiao…” she added.
“Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo… Wala ka sa timing, hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon.”
May mensahe si Cristy Fermin kay Jinkee Pacquiao kaugnay sa bashing na natatanggap nito sa social media. Kahit na mayaman ang misis ng Pambansang Kamao ay dapat maging sensitibo pa rin siya sa iba, ayon kay Nanay Cristy.
Tama nga kaya ang sinabi ng kolumnist na si Cristy Fermin? O wag nalang pakialaman ang buhay ni Jinkee? Ika nga ay kanilang buhay yan at wala naman silang inaapakan.
You May Also Read:
0 comentários :
Post a Comment