Kahit pa man malaki ang inunlad ng teknolohiya sa ating bansa, may mga lugar pa rin na hindi masyadong nabigyan ng magandang reception kung kaya’t hirap pa rin ang iilan nating kababayang sumabay sa ganitong uri ng sistema.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Ang pagkakaroon ng Cellular Phone ay may malaking tulong sa bawat isa sa atin lalo na sa usaping komunikasyon. Mas napabilis at nakakatipid ng husto upang makausap ang malayong mahal natin sa buhay. Ngunit nakakalungkot kapag ikaw ay nasa lugar na mahirap makasagap ng signal.
Isang halimbawa nito ay ang kamakailang inupload na larawan ng netizeng kinilala kay Ronald Ancero Casil. Masisilayan ang isang babae na may hawak na cellphone habang umiiyak, isang iyak ng kagalakan dahil sa wakas ay nagkaroon na ito ng signal at nakakausap na ang nasa kabilang linya.
Ang babaeng may hawak na cellphone ay nakapatong sa malaking bato kahit pa man sobrang init dahil tirik na tirik ang araw. Mababanaag sa kanyang mukha na hindi mapasidlan ang tuwa na kanyang nararamdamam.
Pahirapan umano makakuha ng signal sa kanilang lugar sa Catungawan, Guindulman sa Bohol. Nakatira sila sa bukid at pahirapan sa kanilang lugar ang makakuha ng signal.
Kahit na nabilad siya sa init ay hindi ito alintana ng babae. Ang importante sa kanya ay makatawag sa kanyang pamilya. Malayo ang kanilang lugar sa mga cell site tower kaya kailangan pang umakyat ng buldon upang makasagap ng signal.
Naantig ang mga netizen sa naging reaction ng babae. Batid nila ang hirap lalo na kung malayo sa pamilya. Dahil sa panahon ngayon ay mahalaga ang may signal upang makumusta natin ang ating mga pamilya na nasa malalayong lugar lalo na panahon ngayon ng pandemya.
You May Also Read:
0 comentários :
Post a Comment