6-Anyos na Batang Malusog Noon sa Cebu, Buto’t Balat na Ngayon Dahil daw sa Bulate!.Narito po.

Naging laman ng usap-usapan sa social media kamakailan ang na e-feature na bata sa palabas ng GMA na Kapuso Mo Jessica Soho. Laman ng nasabing programa ang kalagayan ng 6 na taong gulang na batang babae sa Cebu.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Isang dating malusog at masayahing bata na ngayon ay hinang-hina at halos buto’t balat na lamang ito. Talagang naging kakaiba na ang kanyang itsura ngayon kaya naglakas loob na ang kanyang magulang na idulog ito sa KMJS upang mahingan ng tulong.

Dahil sa kahirapan sa buhay ay walang sapat na pera ang mag-asawa para na maipagamot ang kanilang anak.

Talagang hirap sila sa buhay at nakatira sa Sta. Fe, Bantayan, Cebu. Walang trabaho ang nanay ng bata at umaasa lang sila sa sweldo ng mister na nagtatrabaho bilang construction worker.

May dalawa pang kapatid si Ranelyn at panggitna siya. Kwento ng kanyang nanay, hindi nila malaman ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang anak.

Sa tulong ng kmjs, tinutungan nila ang bata na mapatingnan sa isang especialista. Dinala ang bata sa isang ospital sa Lapu-Lapu City.

Sinuri ng mga doktor ang kondisyon ng bata. Sa sobrang payat nito ay nahirapan pa sila sa pagkabit ng swero rito. Nagko-collapse na umano ang ugat ng bata kaya nahihirapan silang ikabit iyon.

Ayon sa doktor ang dahilan ng pagpayat ng bata ay dahil sa bulate. Kaya umano nagkaroon na ito ng matinding malnutrisyon at dahilan ng pagkakaroon nito ng impeksy0n.

Hindi umano mabuti ang lagay ng bata dahil bumaba na rin ang oxygen sa kanyang katawan. Mababa rin umano ang blood pressure ng bata. Sa kondisyon ng bata ay matatagalan pa umano bago bumalik ito sa dating pangangatawan.

Nangako naman ang ospital na ililibre nila ang lab test ng bata. Malaki pa rin ang gagastusin ng pamilya dahil sa mga gamot na ibibigay rito.

Kahit ang paglunok ng pagkain ay nahihirapan rin ito dahil marami itong singaw sa bibig. Marami ang naawa sa batang si Ranelyn at umaasang makabalik pa ito sa dating katawan upang maisuot muli ang kanyang paboritong bestida.

You May Also Read:

Mag-ama na Hindi Pinasakay ng Bus, Naglalakad mula Surigao Hanggang Davao Del Sur na May 549 Km. Para maligtas ang Isa niyang Anak.


About Admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comentários :

Post a Comment